wala lang gusto ko lang ulit mag-share ng mga various experiences and moments ko netong araw na to. haha. yung eh kung sisipagin kang magbasa neto. and maybe after ko tapusing itype lahat dito, malamang i-copy paste ko nlng to sa BLOG ko. habang naghihintay ako na ma-complete installation yung iniinstall kong Luna Online. haha. ayoko gumamit ng masyadong maraming english words at gumawa ng english sentence dito kasi baka mali na naman yung sentence construction ko. at may iba na namang makapansin. haha.ayoko na kayang mapuna. haha. oo ako na. ako na ndi nakikinig sa english advisers ko sa school. haha. oh sya sya, masyado nang mahaba tong introduction kong wala namang kwenta. haha.
[Music Playing] You and Me ng Lifehouse.
10:00 am
Tita May: Nay, gisingin mo na yan si bading, 12:30 aalis na kami.
Nanay (Lola): ayoko nga, ikaw na, di naman ako susundin nyan. ikaw na gumising, kayo naman magkachokaran nyan eh.
haha. may issue pa. LOLs, actually sa lakas pa lang ng boses ng tita ko nagising na ko. kaso di pa rin ako tumatayo sa kama. kakatamad eh. so kinuha ko muna yung cellphone ko, nag-check ako ng mga text message, ayun meron naman kahit papano, 23 text messages. 10 text from different person, 13 quotes galing kay ano, never mind. so after ko basahin yung mga text and quotes, tumayo na ko. then bukas ng TV, nood ng Showtime. umupo sa sofa.nakataas ang dalawang paa, sobrang tinatamad. PAKE MO?! haha.
Tita May: Bakit ka ba laging ganyan, pagkagising mo lagi ka nlng nakatulala.
AKO: ewan ko nga eh, natatamad ako, meron yata ako ngayon. (actually meron ngayon si tita, kaya parang leon, hahaha)
tumayo na ko. punta sa CR, nagtoothbrush at naghilamos. balik ulit sa sofa, umupo nang nakataas ang dalawang paa. nood ng Showtime. Happy Birthday Vice Ganda. oha. hahaha.
After ng Showtime, Naligo na ko, kasi sasama pa ako sa UPHSD Molino Campus para umattend ng Recognition Rites ng Nursing Graduate kong pinsan na si Justin, oh yan may special mention ka pa. haha, kung babasahin mo tong walang kwenta kong post. hahaha. pero teka, di ko alam kung anong susuotin ko. sige pili ng damit na di mo pa nasusuot. kahit ang totoo, nag-iimbento na lng ako ng susuotin. pares-pares na yan. bahala na. kahit ano na lang. haha. at yun, nakapili na nga ako.
11:40 am - umalis na kami ng bahay papuntang School. Paglabas namin ng Village, nyay..!! TRAFFIC..!! over.. no choice, kesa mag-jeep at ma-late sa Recognition Proper, "Tara, Tricycle na tayo", malapit lng naman eh. Ayun, nakarating naman kami ng nasa oras, kaso pagdating namin dun, matagal pa kaming naghintay noh, so kala mo wala akong napansin?! MERON.. ANG INIT..!! Grabe!! SUPER SUMMER naman!! pero di ko na ike-kwento yung mga nangyaring maganda at di maganda sa School. kahit ang totoo eh, parang lahat naman ng nangyari eh parang di naman talaga kagandahan para sa 'kin. "FOR ME"...
5:10 - ayun, awa naman ng pari na nagmimisa at awa ng Diyos, kahit sobrang init at nakakapagod maghintay matapos yung event na yun, ayun natapos din naman.
so uwian na diba?! may nabasa ka na bang kumain na ko?! wala?! OO WALA, KASI DI PA KO NAKAIN, kahit almusal at tanghalian, nak naman ng tinapa oh!! Sh*t nakalimutan ko nang kumain at nakalimutan ko na ring di pa pala ako kumakain. wahahaha!! KINAY MO?! ako hindi, so pagkauwe sa bahay, nagyaya na akong mag-SM Molino, mag-Jollibee (kahit pambata, haha).
bago kami kumain, dumeretso muna kami sa ATM Booth, nag-withdraw si tita ng "secret-thousand" haha, ayun dun na kaming dalawa kumain. Dine-in, syempre pwede ba namang kaming dalawa lang kumain, may take out kami. habang nakain kami, nagdadaldalan kaming dalawa, kung anu-ano nakikita naming magtiyahin, daldalan ever!! napansin pa namin yung amerikanong traffic enforcer sa lugar namin, yung buong pamilyang parang ngayon lang nakapag-Jollibee (Nanay, Tatay, apat na anak) haha. angsama eh noh!! pero INFAIRNESS..!! naka-bucket meal sila, long table pa!! talbog kaming dalawa haha!!
tapos naisipan nya na pumunta ng KFC para bumili ng Chicken Burger, kaso sold out na, empanada na lang daw ng Red Ribbon, kaso walang tindang empanada sa storenila, haha, tingin kami sa Goldilocks baka meron, WALA din. Siopao na lang daw, wala din, "ay meron sa Chowking, tita", punta kaming chowking, ayun meron, "ayy, mahal naman nyan, wag na lng" sabi ni tita. "Regular Yum nlng ng Jollibee" so balik ulit kami. haha. ayun, umorder kami ulit pandagdag pasalubong. binayad ko P90, sukli sakin sais. biglang tanong sya, may barya ka sa pamasahe ?! meron sais. so kulang kami ng dalawang piso sa pamasahe.tsk.. tsk.. eh natira nalang sa kanya puro thousand bill at 500 peso bill na buo, PANO YAN. binaryahan na lang namin yung 500 peso bill nya, bumili kami ng French Fries Cheese flavor sa isang booth, di ko na matandaan kung anong store yun eh. hay salamat, maypambayad na kami sa jeep. haha. POTEK, DALAWANG PISO LANG NAMROBLEMA PA KAMI!! WAHAHAHAHA!! binigyan nya ako ng bente, pambayad sa jeep, so may sukli pa na sais, eh may dose ko kanina, may P18 na ko. haha binulungan ko sya, "Tita, andami ko nang ipon", pucha binawi yung P18 ko?! wahaha.
TITA: akin na yan, anong ipon?! kutusan kita eh. pangloload ko yan. (KURIPOT AMP..!! haha..sayang. ayoko ngang makutusan.. haha)
Home Sweet Home.
- THE END -
Tuesday, April 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment